B.A.K.L.A.

B.A.K.L.A.


Mga bakla, "salot sa lipunan" yan ang pakahulugan sa isang bakla. Bakla, bading, beki, bayot, bakulaw at kung ano- ano pa. Isa bang sala ang pagiging bading? Upang ituring silang "mga salot sa lipunan"? Madali ba ang buhay ng bakla para sa pang araw araw na pagharap sa mapanghusgang mundo? Ating palawakin kung ano nga ba ang mga bakla.
Bakla, bayot, beki, bakulaw, at bading, ilan lamang yan sa termino na masasabi sa mga pinanganak na lalaki ngunit may pusong babae. Ang pagiging beki ay isang desisyon, desisyon na sundin ang isinisigaw ng kanilang mga puso't damdamin na kung sino at ano talaga sila, desisyong harapin ang maaaring buhay nila sa pagiging bakla, desisyong harapin ang takot na ipahayag ang tunay na nararamdaman at tunay na pagkatao sa mga magulang, desisyong maging masaya sa isasagawang desisyon, at harapin ang maaaring bunga ng naturang desisyon na isinagawa.
Iba't- ibang persepsyon mayroon ang tao patungkol sa mga bakla, madalas ay sinasabing kasalanan ang maging bakla sa kadahilanang babae at lalaki lamang ang nilikha ng Panginoon. Ayon pa sakanila, ang lalaki ay para lamang sa babae at ang babae ay para lamang sa lalaki. Ayon pa sa kanila'y, ang lalaki ay hindi para sa lalaki ganun rin sa babae, babae ay hindi para sa babae. Mababago pa ba ang mga bagay na ito na siyang persepsyon ng mga tao sa mga bading? Ating isaalang- alang na ang mga bakla ay kapwa tao rin na likha ng Diyos base sa kanyang anyo at itsura, kaya ating isaisip na ang mga bayot, beki, bakla, bading at bakulaw o kung ano pang tawag sa kanila ay ating mga kapatid sa mata ng ating Dakilang May Likha.
Sino at ano nga ba ang mga bakla sa buhay ng bawat tao? Ang bakla, sila yung taong tila walang problemang iniinda, sila yung laging nagpapasaya tuwing malungkot ka. Dibale nang sila ay magmukhang tanga at nakakahiya sa mga mata ng iba mapatawa ka lang. Ika nga nila kulang ang barkada kung walang baklang kasama. Ang mga bakla madalang mo lang makikita na hindi masaya, dahil ayaw nilang isipin natin na mahina sila. Dahil alam naman natin na ang mga bakla ay lahing palaban walang inuurungan. Kaya ang landas na tinahak ng mga kapatid nating bakla ay tunay na napaka hirap, hinding- hindi maiiwasan na sila ay husgahan at tuksuin.
Ang pagkakaroon ng kaibigan na bakla ay isang biyaya. Nakikita mo ba ang kalagayan ng isang silid aralan kung walang bakla? Siguro marami ang magsasabi na mas magandang walang bakla sa room para walang maingay, pero isipin mo kaibigan, kung walang bakla sa room niyo, walang maingay, tama? Pero namang krayolang itim ang kalalabasan ng room niyo. Walang kabuhay buhay, walang kulay, walang maingay na bakla, walang sayaw ng sayaw na bakla, walang kanta ng kanta na bakla, walang baklang poldos doon polbos dito, walang baklang sigaw ng sigaw, walang baklang nakakatawa. Masaklap hindi ba? Aminin man natin o hindi, silay hindi nagmimintis na mapatawa tayo kahit sa isang simpleng banat lang.
Ang bakla madalas kang isama sa paghahanap ng pogi, nakakatuwa oo dahil madalas ito ay pawang katotohanan, mga baklang magaling magpayo sa iyo pagdating sa pag- ibig pero hindi nila magamit gamit ang sariling payo sa kanilang mga sarili. Lubos lubos kung magmahal ang isang bakla, handang ibigay ang lahat para lang sa mahal niya, pero kadalasan iniiwan lang sila't sinasaktan. Masakit isipin pero siyang tunay, kaya kayo mga ate, mga kuya, mga bess, mga tropapips, mga madlang people, kung kayo may mayroong kaibigang bakla kayo ay napakapalad, ipakita sa kanila kung gaano niyo sila pahalagahan, sa simpleng pagsabi lang ng I LOVE YOU BAKLA ay para na rin yang nanalo sa Miss U. Para naman sa mga lalaki, kung ang mga babae ay dapat minamahal hindi sinasaktan ganun din sa mga bakla, dahil may damdamin din sila. Habang maaga ay ating iparamdam sa kanila na sila ay MAHALAGA.

Comments

Popular posts from this blog

SEEN ZONE VS. INBOX ZONE

SUPERMAN ANG TATAY KO