SEEN ZONE VS. INBOX ZONE

                                                   SEEN ZONE VS INBOX ZONE
                                                      by: JHAN's CREATIONS 

Anong mas masakit? Maseen zone o ma- inbox zone? Siyempre mas masakit maseen zone kasi alam mo nga na nabasa niya na ang chat mo pero wala naman siyang sagot sa mensahe mo. Masakit yung binigay mo na ang lahat- lahat at kitang- kita niya, pero ano? WALA SIYANG PAKIALAM. Kumbaga nagtapat ka ng iyong nararamdaman sa kanya pero wala siyang naisagot, ang masaklap pa tinignan ka lang. Oo nga sabi nila, "Silence means yes" pero mahirap mag assume, mahirap umasa na oo, ganun din ang nararamdaman niya sayo kasi baka masaktan ka lang.

Yang inbox zone hindi yan kasing sakit ng seen zone, kasi akala mo lang naman siguro na wala siyang pakialam, diba pwede namang natabunan lang yung chat mo ng iba pang mga kachat niya. Hindi tulad ng sa seen zone na umaasa ka at naghihintay ka na magreply siya. Yung tipong, nagnobela ka sa chatbox niyo tapos nakita mong naseen na niya at umasa ka na magrereply na siya. Umaasa ka na magrereply din siya ng mahaba pero wala eh, hanggang seen lang talaga buti sana kung nag like zone at least nagreply kaysa naman sa sineen lang.

Sige, sabihin na natin na masakit ang maseen zone pero di hamak mas masakit pa rin talagang ma inbox zone. Nag sent na yung chat mo, nag Delivered pa nga eh, pero wala pa rin naghintay ka na sana mabasa niya, pero wala man lang response. Diba ang saklap? Masakit ma inbox zone kasi hindi ka man lang mabigyan ng oras para basahin ang chat mo, kahit sana buksan lang niya at least nabasa niya, ayos ng maseen zone. Kasi tanong ko sayo beshywap, Bente kwarto oras ba siyang busy? Para hindi mabuksan yung chat mo, kahit tignan man lang sana. Maaari ngang natabunan yung chat mo, lalo na't PEYMUS yang crush mo, kung di naman peymus, PAKBOY. Masakit malaman na wala siyang oras para replayan ka. Yung second option ka lang, kasi nag away sila ng girlfriend/ boypren niya, o kaya naman bored siya. Pero ano yung mas masakit?

Yung nagchat siya ng ganito; "Palike nga po nung mismong picture at paki share na din po. Thank you and God bless" at may nakalakip pang link kung saan mo makikita yung picture na pinapalike niya. Oh diba? Nakakaasar. Yung umasa ka na may mahalaga siyang sasabihin sayo, yung kinikilig ka na kasi; "Omg! Nag chat si crush" tapos pagbukas mo ng message niya yun ang makikita at mababasa mo. Ang sakit! Seen zone? At inbox zone? Pareho lang yan na masakit lalo na kapag naranasan mo lalo na ngayon na namumuhay na tayo na kasama ang teknolohiya. Buti pa nga sa messaging ng phone eh yung nagtext ka sa kanya, at least doon hindi mo alam kung seen zone o inbox zone ka lang. Less sakit yun diba?


Ps. R.I.P. sa phone ko. Mamimiss kita. I will miss you so muchhhhhh. Thank you for almost 2 years of love. Buti pa tayo nagtagal ng halos dalawang taon. Abangan niyo yung Friend zone VS Bestfriend zone! -gorg

Comments

Popular posts from this blog

B.A.K.L.A.

SUPERMAN ANG TATAY KO