Posts

Showing posts from October, 2017

My TEACHER My HERO

Ang Aking Guro, Aking Bayani! Paggising sa umaga, Diwa’y inaantok pa Ngunit tayo’y papasok na Papasok na sa eskwela Simula pagkabata hanggang sa pagtanda Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina Nariyan para gumabay at mag-aruga, Pasasalamat lamang ay nararapat itakda. Sa aking paglaki… Di iniisip mga pagkakamali, Ngunit ngiti lamang syang sinukli, At mga payong sa lungkot ay humahawi. Kayo ay laging kaalalay, Nagbibigay kulay sa aking buhay, Sya ring karamay sa kabiguan at lumbay Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay. Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyo Mga minamahal at ginigiliw na guro ko Walang pag-aalinlangang ipapakita ko Ikaw aking guro bayani ng buhay ko.

F.R.I.E.N.D.S. -cfg

Image
TUNAY NA KAIBIGAN by Semidoppel Sa dinami-rami ng tao sa mundo Mahirap makahanap ng kaibigang totoo Sa walong bilyon na nabubuhay na tao Saan makakahanap ng tunay na katoto Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay Nung lumaon malalaman mo may iba palang pakay Personal na dahilan ang kanyang mithiin Mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang gagamitin. Meron din naman akala mo’y kakampi Siya ay kakampi kapag ika’y may katunggali Pero wag ka sanang minsan ay magkamali Baka isang araw wala na sa iyong tabi Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari Kapag kaharap ka’y maganda ang sinasabi Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao Sa likod mo ay kahol ng kahol na parang aso Anu nga ba sa tingin ko ang tunay na kaibigan Tingin ko madali lang natin iyan malalaman kaibigan Tunay na kaibigan, laging nariyan Sa oras ng ligaya o kalungkutan man. Siyang kaibigan na hindi kailanman aalis Magpapahid ng luha, aalisi...

SUPERMAN ANG TATAY KO

Image
Ikaw ang Unang Lalaki na aking nagisnan, nakilala at minahal.. Ang unang bisig na sa akin ay umalalay Ang unang musika at sayaw sa aking buhay Lakas mo ay aking naging gabay Kapag may takot sa aking Puso Kapag may lungkot sa aking mga mata Kung may alinlangan man at pangamba.. Ikaw  Tatay, ang aking kasama at kasangga. Larawan ka ng isang mabuting kaibigan Tapat, maaasahan at laging masasandalan Sa iyo ay may natatanging patakaran Laging dapat  manaig ay kabutihan at pagmamahalan… Kaya kong tumawa at umiyak, sa iyo ay ilahad Laman ng puso ko at isipan Di mo kailanman sinusukat Para sa iyo, ang maging “ako” ay sapat na at walang katulad Para sa amin ikaw ay isang biyaya Sa aming buhay ay ipinagkaloob ng Maykapal Ang pag-ibig mong tunay at wagas Habambuhay sa puso namin ay nakatatak Ngayong ikaw ay wala na Walang hanggang ligaya sa piling ng Maylikha Ang tangi naming dalangin at ninanasa Mamamalagi kang buhay sa a...

FAFA XANDER FORD

Image
https://youtu.be/vbvMKCPqdZ8 check this out sa mga maka xander ford jan  😍 😍

SUPER MOM

Image
Lubos ang aking pagkagalak at pasasalamat, Nang ako ay isilang, at naimulat Ang aking isipan Dito sa mundong acting ginagalawan. Lubos ang paghanga ko Sa iyo na ina ko, Dahil napakatapang mo Siyam na buwang inalagaan mo ako Diyan, diyan sa sinapupunan mo Buhay na bigay mo'y di matutumbasan Ng kahit na anong kayamanan. Lubos na paggalang Ang aking isasalang. Siya any binansagan Na , Ilaw ng Tahanan Kumbaga siya ang kulay Ng aming mga buhay. Handing isakripisyo lahat ng bagay Para mga gusto mo'y maibigay. Siya ay laging upang ikaw ay igabay Sa iyong tatahaking buhay Pagsuporta ng lubusan kanyang alay Para sayo, na kanyang buhay. Ang pagiging ina ay isang propesyon sa acting buhay, Hindi man ito literal na propesyon ito pa din ay ating isabuhay na ang pagiging ina ay isang malaking obligasyon. Ang mga ina ay tunay na dakila. Ating isipin, Hindi Biro kanyang...