SUPER MOM
Lubos ang aking pagkagalak at pasasalamat, Nang ako ay isilang, at naimulat Ang aking isipan Dito sa mundong acting ginagalawan. Lubos ang paghanga ko Sa iyo na ina ko, Dahil napakatapang mo Siyam na buwang inalagaan mo ako Diyan, diyan sa sinapupunan mo Buhay na bigay mo'y di matutumbasan Ng kahit na anong kayamanan. Lubos na paggalang Ang aking isasalang. Siya any binansagan Na , Ilaw ng Tahanan Kumbaga siya ang kulay Ng aming mga buhay. Handing isakripisyo lahat ng bagay Para mga gusto mo'y maibigay. Siya ay laging upang ikaw ay igabay Sa iyong tatahaking buhay Pagsuporta ng lubusan kanyang alay Para sayo, na kanyang buhay.
Ang pagiging ina ay isang propesyon sa acting buhay, Hindi man ito literal na propesyon ito pa din ay ating isabuhay na ang pagiging ina ay isang malaking obligasyon. Ang mga ina ay tunay na dakila. Ating isipin, Hindi Biro kanyang ginawa, dahil maaari itong ikamatay niya, ngunit tanging gusto niya ay maisilang ka na supling niya ng maayos. Siya na buwan, siyam na buwan kang inalagaan at kinalong sa kanyang sinapupunan. Napakasakit man ang pagluluwal niya'y hindi pa din matatalo ang kasiyahang dulot mo na biyaya galing sa ating Poong Maykapal. Daig pa niya ang nanalo sa LOTTO nang ikaw ay dumating sa buhay niya. Tanging nais lamang ng mga ina ay lumaking maayos, magalang , at may takot Diyos. Kaya sila ay ating igalang upang maiparamdam ang ating pagmamahal sa kanila.
Comments
Post a Comment