My TEACHER My HERO
Ang Aking Guro, Aking Bayani! Paggising sa umaga, Diwa’y inaantok pa Ngunit tayo’y papasok na Papasok na sa eskwela Simula pagkabata hanggang sa pagtanda Kayo ay tumayong pangalawang ama o ina Nariyan para gumabay at mag-aruga, Pasasalamat lamang ay nararapat itakda. Sa aking paglaki… Di iniisip mga pagkakamali, Ngunit ngiti lamang syang sinukli, At mga payong sa lungkot ay humahawi. Kayo ay laging kaalalay, Nagbibigay kulay sa aking buhay, Sya ring karamay sa kabiguan at lumbay Ikaw na nga guro,susi sa aming tagumpay. Kaya’t ako ay nagpapasalamat sa inyo Mga minamahal at ginigiliw na guro ko Walang pag-aalinlangang ipapakita ko Ikaw aking guro bayani ng buhay ko.