Payo Para sa PUSO 101



Walang perpektong relasyon, lahat ng magkasintahan ay dumadaan sa maliit o malaki mang problema. Pero madalas ng away o hindi pagkaka unawaan ay nadaan sa masinsinang usapan.
Payo Para sa Puso 101
~Kung hindi mo kayang panindigan, wag mo ng umpisahan para walang masaktan.

Ang akin lang naman, kung di mo kayang panindigan, sana hindi ka na lang pumasok sa relasyon na yan! Kasi ang relasyon hindi parang pagkain na kapag ayaw mo na ay iluluwa mo na lang at itatapon. Kung alam mo sa sarili mo na mula sa umpisa palang ay hindi mo kayang magseryoso, huwag mo ng ituloy ang pakikipagrelasyon sa kanya, niloko mo na nga sarili mo, nanakit ka pa ng damdamin ng isang tao.
Yan! Yang pangako na yan! Huwag ka nang mangako sa isang tao kung hindi mo naman kayang panindigan, diyan kayo magaling eh! Sa pagiging paasa! Ako naman itong si uto-uto, naniwala at umasa sa mga pangako mo.

Kung may balak kang magpaasa at manakit ng damdamin ng isang tao, wag mo ng ituloy!

-gorg



Comments

Popular posts from this blog

SEEN ZONE VS. INBOX ZONE

B.A.K.L.A.

SUPERMAN ANG TATAY KO