Posts

Showing posts from September, 2017

Payo Para sa PUSO 102

Image
  PPP 102 Payo Para sa Puso 102 Payo sa mga nagdurugo ang puso. Payo para sa puso 102. ~Bago ka magdrama kung bakit di ka niya naaalala, isipin mo muna kung MAHALAGA ka sa kanya. Tumpak Ganern! Bes payong nakagaganda lang, bago ka mag- post sa Facebook status mo ng kung ano- anong drama diyan sa taong gusto mo, pati na rin yang mga nilalagay mo sa mga MyDay sa Messenger bago mo sana i-post, isipin mo muna kung bakit ka nagdradrama, at kung importante ka ba sa kanya. Kasi masaklap yung hindi ka naaalala ng taong gusto mo, pero mas masaklap yung katotohanan na hindi ka naman mahalaga sa kanya. Masakit ba? Tama lang yan para magising ka sa kahibangan mo bes! Labyou ♚♛

Payo Para sa PUSO 101

Walang perpektong relasyon, lahat ng magkasintahan ay dumadaan sa maliit o malaki mang problema. Pero madalas ng away o hindi pagkaka unawaan ay nadaan sa masinsinang usapan. Payo Para sa Puso 101 ~Kung hindi mo kayang panindigan, wag mo ng umpisahan para walang masaktan. Ang akin lang naman, kung di mo kayang panindigan, sana hindi ka na lang pumasok sa relasyon na yan! Kasi ang relasyon hindi parang pagkain na kapag ayaw mo na ay iluluwa mo na lang at itatapon. Kung alam mo sa sarili mo na mula sa umpisa palang ay hindi mo kayang magseryoso, huwag mo ng ituloy ang pakikipagrelasyon sa kanya, niloko mo na nga sarili mo, nanakit ka pa ng damdamin ng isang tao. Yan! Yang pangako na yan! Huwag ka nang mangako sa isang tao kung hindi mo naman kayang panindigan, diyan kayo magaling eh! Sa pagiging paasa! Ako naman itong si uto-uto, naniwala at umasa sa mga pangako mo. Kung may balak kang magpaasa at manakit ng damdamin ng isang tao, wag mo ng ituloy! -gorg

SEEN ZONE VS. INBOX ZONE

                                                   SEEN ZONE VS INBOX ZONE                                                       by: JHAN's CREATIONS  Anong mas masakit? Maseen zone o ma- inbox zone? Siyempre mas masakit maseen zone kasi alam mo nga na nabasa niya na ang chat mo pero wala naman siyang sagot sa mensahe mo. Masakit yung binigay mo na ang lahat- lahat at kitang- kita niya, pero ano? WALA SIYANG PAKIALAM. Kumbaga nagtapat ka ng iyong nararamdaman sa kanya pero wala siyang naisagot, ang masaklap pa tinignan ka lang. Oo nga sabi nila, "Silence means yes" pero mahirap mag assume, mahirap umasa na oo, ganun din ang nararamdaman niya sayo kasi baka masaktan ka lang. Yang inbox zone hindi yan kasing sakit ...

B.A.K.L.A.

Image
B.A.K.L.A. Mga bakla, "salot sa lipunan" yan ang pakahulugan sa isang bakla. Bakla, bading, beki, bayot, bakulaw at kung ano- ano pa. Isa bang sala ang pagiging bading? Upang ituring silang "mga salot sa lipunan"? Madali ba ang buhay ng bakla para sa pang araw araw na pagharap sa mapanghusgang mundo? Ating palawakin kung ano nga ba ang mga bakla. Bakla, bayot, beki, bakulaw, at bading, ilan lamang yan sa termino na masasabi sa mga pinanganak na lalaki ngunit may pusong babae. Ang pagiging beki ay isang desisyon, desisyon na sundin ang isinisigaw ng kanilang mga puso't damdamin na kung sino at ano talaga sila, desisyong harapin ang maaaring buhay nila sa pagiging bakla, desisyong harapin ang takot na ipahayag ang tunay na nararamdaman at tunay na pagkatao sa mga magulang, desisyong maging masaya sa isasagawang desisyon, at harapin ang maaaring bunga ng naturang desisyon na isinagawa. Iba't- ibang persepsyon mayroon ang tao patungkol sa mg...

The Creation of JHAN

Ang blog po na ito ay kinapapalooban ng mga likhang mula sa aking isipan. Nakapaloob rito ang aking paglikha ng tula at kung ano ano pang mga artikulo na tumatalakay sa isang paksa. Naway kapulutan ninyo ng inspirasyon at aral ang aking mga likha.